Hi! It’s your first day of class and here at Palamantasan, no need for name tags! We are more than excited to welcome you as our classmate. So fill up the form below so we can get to know you better!

Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player

registration

SABAYANG BIGKAS

PATNUBAY SA PAGLAHOK
  1. Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral sa mababang antas ng pampribado o pampublikong paaralan.
  2. Magbuo ng pangkat na may 15-20 na kasapi at 1 tagapayo/ tagasanay.
  3. Ang isang paaralan ay maaaring magkaroon ng maraming pangkat.
  4. Upang makasali, isumite ang mga sumusunod:
    • Cheez Whiz Palamantasan Sabayang Bigkas Registration Form
    • Parent’s Consent Form para sa bawat estudyanteng kasapi sa pangkat
    • 1 Cheez Whiz bottle cap para sa bawat estudyanteng kasapi sa pangkat
    Ilakip ang mga ito sa isang sobre at ihulog para kay:

    Ms. Espie Salonga

    Cheez Whiz Sabayang Bigkas Competition

    c/o 5th P Advertising

    55 D Matahimik St., Teacher’s Village

    Diliman, Quezon City 1101

  5. Pag natanggap ang iyong sobre kalakip ng mga nakasaad, kayo ay makakatanggap ng Certificate of Participation at ang bawat kasapi ng pangkat ay makakatanggap ng Cheez Whiz Badge
MGA ALITUNTUNIN SA PALIGSAHAN
  1. Ang piyesang gagamitin ay magmumula sa mga organizer ng kompetisyon.
  2. Ang bawat pangkat ay binibigyan ng 15 - 20 minuto para sa pagtatanghal (hindi kasama ang preparasyon sa entablado bago magtanghal)
  3. Saulado ng bawat kasapi ang kani-kanilang piyesa.
PAMANTAYAN SA PAGHATOL
Pagbigkas 40% (tamang blending ng mga tunog o ng mga tinig, tamang paglakas ng bigkas at paghina sa mga bahagi ng tula)
PROSESO AT GABAY SA PAMPAARALANG KOMPETISYON
  1. Ang isang paaralan ay maaaring magkaroon ng maraming pangkat.
  2. Isang pangkat lamang ang maaring ipadala upang kumatawan sa Regional level.
  3. Ang paaralan ay maaring magkaroon ng sariling paglilitis ng mga pangkat sa paggamit ng PAMANTAYAN SA PAGHUHURADO NG SABAYANG BIGKAS AT JUDGING FORM (as attached).
  4. Maaaring magtalaga ng 3 hanggang 5 hurado. Ang mga hurado ay maaring piliin mula sa mga propesor o guro at mga magulang ng mga mag–aaral na hindi kasapi sa mga pangkat.
  5. Isang tagakuha ng oras ang itatalaga upang masiguro na hindi kukulang sa 15 minuto o hihigit sa 20 minuto ang sabayang bigkas. Kaukulang bawas na 1% ang ibibigay sa huling puntos ng pangkat sa bawat minuto o segundo na humigit o nagkulang sa takdang oras ng pagtatanghal.
  6. Ang pangkat na may pinakamatas na huling puntos ang magiging kinatawan sa Regional level.
  7. Kung magkapantas ang mga pangkat, kailangang magbilang ng mga balota (People’s Choice Award Ballot Sample as attached) mula sa mga manunuod at ang bilang nito ay idaragdag sa huling puntos ng magkapantas na pangkat.
  8. Kung sakaling mayroon pa ring magkapantas na mga pangkat, ang mga hurado na ang magpapasiya.
  9. Ang paaralan ang magtatalaga kung kailan at saan gaganapin ang paglilitis.
PROSESO AT GABAY SA PANGREHIYONG KOMPETISYON
  1. Ang Rehiyon ay maaring magkaroon ng hanggang 6 na kinatawan na mga paaralan mula sa Rehiyon maliban sa NCR na maari namang magkaroon ng 10 kinatawan na mga paaralan.
  2. Isang pangkat lamang mula sa bawat kinatawang paaralan ang maaring lumahok sa pangrehiyong kompetisyon.
  3. Ang Pangrehiyong kompetisyon ay pinagkumpul-kumpol sa mga sumusunod:
    • REGION 1
    • REGION 2
    • REGION 3
    • REGION 4A/B
    • REGION 5
    • REGION 6
    • REGION 7
    • REGION 8
    • REGION 9
    • REGION 10
    • REGION 11
    • REGION 12
    • CARAGA
    • CAR
    • ARMM
    • NCR
  4. Ang Kraft at ang kanyang mga kasapi ay magkaroon ng paglilitis ng mga pangkat sa paggamit ng PAMANTAYAN SA PAGHUHURADO NG SABAYANG BIGKAS AT JUDGING FORM (as attached).
  5. Maaaring magtalaga ng 3 hanggang 5 hurado. Ang mga hurado ay maaring piliin mula sa mga opisyal ng gobyerno, NGO’s at iba pang mga propesyonal na hindi kamag-anak ng mga kalahok.
  6. Isang tagakuha ng oras ang itatalaga upang masiguro na hindi kukulang sa 15 minuto o hihigit sa 20 minuto ang sabayang bigkas. Kaukulang bawas na 1% ang ibibigay sa huling puntos ng pangkat sa bawat minuto o segundo na humigit o nagkulang sa takdang oras ng pagtatanghal.
  7. Ang pangkat na may pinakamatas na huling puntos ang magiging kinatawan sa National level.
  8. Kung magkapantas ang mga pangkat, kailangang magbilang ng mga balota (People’s Choice Award Ballot Sample as attached) mula sa mga manunuod at ang bilang nito ay idaragdag sa huling puntos ng magkapantas na pangkat.
  9. Kung sakaling mayroon pa rin ng magkapantas na mga pangkat, ang mga hurado na ang magpapasiya.
  10. Kung hindi makakarating ang nagwagi ng Unang Gantimpala sa National level, maaring ang ikalawang may pinakamataas na puntos ang kumatawan sa National level.
  11. Ang Kraft at ang kanyang mga kasapi ang magtatalaga kung kailan at saan gaganapin ang paglilitis.
  12. Ang mga premyo sa Pangrehiyong Kompetisyon:
    1st Place P 8,000.00
    People's Choice Award P 3,000.00
    Teacher trainer/coach P 3,000.00
    School Prize P 3,000.00
PROSESO AT GABAY SA NG PAMBANSANG KOMPETISYON
  1. Ang pangkat na kampiyon sa Regional level ay kinakailangang pumunta sa Manila ___ (venue, time and place).
  2. Isang pangkat lamang ang maaring maging kinatawan sa Rehiyon.
  3. Ang Kraft at ang kanyang mga kasapi ay magkaroon ng paglilitis ng mga pangkat sa paggamit ng PAMANTAYAN SA PAGHUHURADO NG SABAYANG BIGKAS AT JUDGING FORM (as attached).
  4. Maaaring magtalaga ng 3 hanggang 5 hurado. Ang mga hurado ay maaring piliin mula sa mga opisyal ng gobyerno, NGO’s at iba pang mga propesyonal na hindi kamag-anak ng mga kalahok.
  5. sang tagakuha ng oras ang itatalaga upang masiguro na hindi kukulang sa 15 minuto o hihigit sa 20 minuto ang sabayang bigkas. Kaukulang bawas na 1% ang ibibigay sa huling puntos ng pangkat sa bawat minuto o segundo na humigit o nagkulang sa takdang oras ng pagtatanghal.
  6. Ang pangkat na may pinakamatas na huling puntos ang tataguriang Pambansang Kampiyon. Ang sumunod na dalawang may pinakamataas na puntos ay siyang tatanghaling ikalawa at ikatlong gantimpala.
  7. Kung magkapantas ang mga pangkat, kailangang magbilang ng mga balota (People’s Choice Award Ballot Sample as attached) mula sa mga manunuod at ang bilang nito ay idaragdag sa huling puntos ng magkapantas na pangkat.
  8. Kung sakaling mayroon pa rin ng magkapantas na mga pangkat, ang mga hurado na ang magpapasiya.
  9. Ang mga premyo sa Pambansang Kompetisyon:
    1st Place P 20,000.00
    2nd Place P 15,000.00
    3rd Place P 10,000.00
    People's Choice Award P 15,000.00
    Teacher trainer / coach
    1st Place P 5,000.00
    2nd Place P 5,000.00
    3rd Place P 5,000.00
    School Price
    1st Place P 5,000.00
    2nd Place P 5,000.00
    3rd Place P 5,000.00
PEOPLE’S CHOICE AWARD
  1. Ang bawat manunuod sa ibat – ibang paglilitis ay pagkakalooban ng isang balota(People’s Choice Award Ballot Sample as attached) upang siya ay makaboto ng kanyang paburitong pangkat na ibig niyang manalo.
  2. Ang mga balotang ito ay mahalaga sa pagpapasiyahan ng magwawagi sakaling ang mga pangkat ay magkapantas.
  3. Sa Paglilitis ng Rehiyon at Pambansang Paglilitis, maaring bumili ng Cheez Whiz upang madagdagan pa ang balota ng isang manunuod upang mas mabigyan ng pagkakataon ang kanyang paburitong pangkat na magwagi sa People’s Choice Award.
  4. Ang People’s Choice Award ay ipinakakaloob sa pangkat na mayroong pinakamaraming balota kahit ano pa man ang kanyang rangko o hanay sa Pangrehiyong Paglilitis o Pambansang Paglilitis.